THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Thursday, January 13, 2011

NEWS: MEGA BIRTHDAY CONCERT (ABANTE TONITE) - JANUARY 13, 2011

KC at Sam, makapigil-hininga ang number
Zanjoe, inokray nina Ai Ai at K


by ALLAN DIONES


ANG Mega 2011 ang isa sa pinakamaganda at pinaka-star-studded na birthday concerts ni Sharon Cuneta.

Ilang taon na niyang ginagawa ang nasabing free show sa Araneta Coli*seum na b-day treat niya sa kanyang fans.

Hindi kumpleto ang selebrasyon ng Megastar kung walang special production number ang pa*nganay niyang si KC.

Isa sa pinakabonggang ginawa ni KC sa Araneta ‘yung acrobatic dance number niya kamakalawa kasama si Sam Milby.

Hiyawan ang Big Dome paglabas nina KC at Sam, na nagpakitang-gilas sa kanilang ‘air dance’ na itsura ng professional acrobats.

Kasama ng G-Force dancers at habang tumutugtog ang acoustic version ng Teenage Dream (ni Katy Perry) ay nagl*ambi-lambitin sa mahabang pulang tela si KC, lumipad-lipad sa ere, tumuwad at sumirku-sirko nang walang harness.

Si Sam din ay tumambling, nangunyapit sa tela, umikut-ikot at lumutang sa ere habang naka-black sando at labas ang muscles. Ang gandang pagmasdan ng dalawa na parehong magaan ang katawan at mukhang hindi takot mahulog.
Applauded ang makapigil-hiningang number nina KC at Sam!
***
Sa comedy portion ay may song number sina Tita Fanny, Direk Manny CastaƱeda at Chokoleit na pamhinta sa kanilang suot na tuxedo, pero sa loob pala ay naka-girl outfit. May duet din sina Melai at Jason.

Bentang-benta sa fans si Pooh bilang Manny Pacquiao. Klik na klik ang mga pakwela ni Pooh, na pati si Senador Kiko Pangilinan na nakaupo sa audience ay isinama sa kanyang Pacman jokes.

Sa song number ng ASAP singers ay type namin ‘yung version ni
Nina ng High School Life ni Sharon, na sinamahan ng rap ni Gloc9. Okey rin ‘yung mala-pop rock version ni Yeng Constantino ng Kahapon Lamang.

Sa dami ng guests ay parang hindi matapus-tapos ang birthday concert ni Mega. May dance number ang santambak na Star Magic boys at may hataw number sina Maja Salvador, Iya Villania, Andi Eigenmann, Empress Schuck at Shaina Magdayao.
May music video na in-spoof ng mga komed*yante si Shawie with matching iba’t ibang guest na Kapamilya stars; may medley ng old Sharon songs sina Christian Bautista, Erik Santos, Richard Poon, Nyoy Violante at Bugoy Dri*lon kasama si Mega; may novelty song and dance number sina Pilita Corrales, Mitch Valdez at Randy Santiago; at may video recap ng year 2010 ni Shawie na tampok sina Gary V, Zsa Zsa Padilla, KC Concepcion, Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Voice over lang si Juday at walang video.

May loveteams portion na nag-duet ng Sharon love songs sina *Karylle-Jericho Rosales, Toni Gonzaga-Sam Milby at KC-Piolo Pascual. Grabe ang hiyawan ng buong Araneta kina KC at Piolo.

May song number ang birthday girl kasama ang Final Five ng show niyang Star Power; may duet sila ni Lani Misalucha (na paborito raw ni Mommy Elaine Cuneta na nasa audience); may song number din sila ni Cesar Montano; at pam-finale ang duet nila ni Sarah Geronimo (na ang tawag ni Shawie ay BK o ‘baby ko’).

Ang last solo number ni Sharon ay ang sariling version niya ng Just the Way You Are ni Bruno Mars, na sa simula ay mabagal at senti ang dating.

source: abante-tonite.com

0 comments: