THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, April 22, 2009

SNN (ABS CBN 2) FOLLOW UP INTERVIEW ON NINA VS HER EX BF - APRIL 22, 2009

video
on SNN (ABS CBN 2)

Nina is still hoping that Nyoy Volante will settle his debt
source : abs-cbn.com

by Heidi Anicete
Dalawang buwan na ang lumipas matapos pumutok ang isang mainit na isyu sa pagitan ng dating magkasintahang Nina at Nyoy Volante. Nauwi sa demandahan ang dalawa matapos ‘di umano ang hindi pagbabayad ni Nyoy ng malaking halagang inutang niya noon kay Nina.

Sa isang panayam para sa SNN, inamin ni Nyoy na hindi pa sila nakakapag-uusap ng dating girlfriend simula nang pumutok ang nasabing isyu. Patungkol naman sa isinampang kaso ng estafa sa kanya ni Nina, sinabi niyang maayos naman daw ang takbo nito. Ginagawan na raw nila ng paraan para masettle ang pagkakautang ng kanilang pamilya. “Unti-unti na naming inaayos” sagot niya.

Pinatotohanan rin ni Nina sa isang hiwalay na interview ang hindi niya pakikipag-usap kay Nyoy. Ngunit taliwas sa sinabi ni Nyoy na pakikipag-ayos, nabanggit ni Nina na tila raw hindi nakikipagcooperate ang kabilang panig sa nasabing kaso. Sa katotohanan raw ay hindi pa nga nito napipirmahan ang inihain niyang demand letter. Pero kahit ganito pa man daw ang sitwasyon, hindi pa rin nawawalan ng loob si Nina na babayaran ni Nyoy ang pagkakautang nito sa kanya. As long as may hawak raw siyang mga ebidensya, umaasa pa rin siyang maibabalik sa kanya ang perang pinaghirapan niya at pinahiram sa dating boyfriend.

0 comments: