Next sensation sa Korea after Charice...
Nina, ginagawan ng docu ng Korean journalist
by Reggee Bonoan
Sa pressconference ng ASAP Sessionistas 20.11 Live at the Big Dome kahapon inamin ni Nina na may naririrnig siyang inquiry tungkol sa kanya mula sa TV5, pero wala naman daw pormal na offer.
Nasulat namin kahapon na miyembro ng Sessionistas na inoperan saw ng singko pero loyal sila sa ASAP XV na nagbigay sa kanila ng magandang exposure kaya mananatili sila sa ABS-CBN.
"Hindi po direktang sa akin po nag-offer, wala akong ideya, pero may mga naririnig ako," sabi ni Nina, "wala namang ninanggit din ang manager ko (kapatid niya), so siguro, wala talaga."
Aware din si Nina na malaking mag-offer ang TV5.
"For me kasi po it's not the money, importante rin kasi sa aming mga artist na tulad ko is the artistry, 'yung growth ng artist, siguro yung money secondary na lang, kung baga bonus na lang dahil malaki ang bayad.
"Pero kung mas mag0-grow ka o may greener pasture sa iba, bakit hindi? Pero as of now, okay naman at masaya po ako sa ABS at nabibigyan naman ako ng magandang exposure.
"Maganda ang samahan namin sa Sessionistas kaya masaya, ok kaming lahat," magandang paliwanag ni Nina.
Samantala, natuwa rin si Nina na ang isang linggong ticket sales ng concert nila sa Araneta Coliseum sa February 5, 2011 ay umabot na sa P1.6M. E, may four weeks pa sila para i-promote ng todo ang concert.
Nabanggit din namin na base sa survey ay sina Nina, Ricjard Poon at Aiza Seguerra ang gusto ng mga manonood. Bagay na ikinatuwa ng una.
"Nakakataba ng puso dahil isa pala ako sa gustong mapanaood sa grupo, pero it's a team effort po, lahat kami may kanya-kanyang contribution sa Sessionistas, so hindi ko puwedeng sabihing kaming tatlo o ako lang, kasi kami lahat' yun. May kanya-kanya kaming strength sa musia na nagugustuhan siguro ng tao," magandang paliwanag ni Nina.
Totoo nga bang may stalker siyang Korean journalist na pumunta rito sa Pilipinas at nakabuntot sa lahat ng lakad niya?
"Ha-ha-ha! Hindi ko po stalker 'yun, dino-document lang niya lahat ng lakad ko, lahat ng activities ko, kasi ipapalabas nila sa Korea para pagdating ko roon, Kilala na ako ng tao.
Sikat daw kasi yung kanta kong Someday, e, ni-research nila sa Youtube 'tapos nalaman na tagarito ako, sumulat sila kung pwede akong makilala at gawan ng docu. So, nakakatuwa, kasi after Charice po, ako naman yung sunod nilang iniimbitahan para mag-guest sa mga shows nila sa Korea," kuwento ni Nina.
Ang awiting Love Moves (in mysterious ways) ay umabot sa Diamond at ang Someday ay double platinum na kaya sobrang saya ng dalagang singer.
Samantala, ayon sa executive producer ng ASAP Live na si Olive Zarate, maganda ang show ng Sessionistas sa February 5 dahil more on classic songs ang kakantahin mula sa hits nu'ng dekada 40, 50, 60, 70, 80, 90 at 2010.
source: Balita

0 comments:
Post a Comment